HINDI mawala sa isipan ni Alvaro ang ginawa ni Janeth. At nalilito siya kung ano na ang kanyang paniniwalaan. Umaakto ito na kagaya ng dati noong bagong mag-asawa pa lamang sila. Muntik na rin siyang maniwala na masama ang pagkahulog nito dahil hindi makaalala. Yon naman pala ay nagpapanggap lamang ito. Ano kaya ang pinaplano ni Janeth? Ganun pa man hindi pa rin magaling magsinungaling ang ex-wife niya. Dahil agad niyang nahuli. “Alvaro, ako na ang nag presintang magdala ng kape mo.” hindi siya lumingon ng marinig ang boses ni Janeth. “Paki lagay na lang diyan sa table.” isa pang napapansin niya kahit galit siya ay mahinahon pa rin kapag naririnig na ang boses nito. Mula ng malaman niya na ito talaga ang asawa niya. Bumalik ang pagiging kalmado niya. “At meron envelope dito ibigay ko