MALAPIT na sa private elevator si Gray hamm, nang maisip na tawagan ang CEO at mabuti sumagot naman agad ito. “Lahat ng nasa loob ng restaurant iyong kausapin. Sinuman ang magkalat ng salita na ako ang chairman ng executive building ay tatanggalin ko sa trabaho!” “Masusunod po, chairman.” “Good!” muling binalik sa bulsa ang cellphone at umakyat na sa chairman’s office. Pagdating doon ay binagsak ang sarili sa mahabang sofa. Hindi naman nagtagal ay narinig niya ang boses ni Remo ll. “Anong problema at sambakol ang mukha mo, Master G?” “Nalaman ng mga taong naroon sa restaurant na ako ang chairman.” “Bakit ano ba ang nangyari?” “Pumasok ako doon dala ang tray na naglalaman ng pinagkainan namin ni Ciarrah. Nakasalubong ko si Rachelle at malakas niyang tinabig ang tray kaya nahulog. Nab