ALIMPUNGATAN si Ciarrah, naramdaman niya may taong tumabi sa kanyang higaan. Babangon sana siya ng agad niyakap nito. Saka lang niya nakilala si Gray hamm dahil sa amoy ng katawan. Madilim ang silid niya at kahit hindi nakikita ang mukha ng binata ay na imagine na niya kung gaano ito kasaya. “Paano ka nakalabas ng silid ni Papa?” tanong niya sa binata. “Kagaya ng sabi mo nag-catwalk ako.” Sabay tawa pa ng loko. “Matulog na tayo, baka magising pa isa sa kanila.” wika pa ni Ciarrah. “Ganun lang ba yon, sweetheart? Wala tayong gagawin?” tila nais pang mag reklamo ni Gray hamm. “Wala, dahil maririnig nila tayo, ang mga kwarto dito ay hindi gaya sa mansyon nyo. Dito kapag may gising sa kabilang kwarto ay naririnig agad ang bawat kilos ng kahit sino.” “Haisttt!” sabay hinga ng malalim ni