HINDI nagawang pigilan si Blackie ng mga pinsan. Kahit ang kapatid na si Gray hamm, hinayaan na lang siya nito. Nang makalapit kay Janeth ay tumulo na ang luha niya. Muling sinisisi niya ang sarili kung bakit iniwan niya ito. Tapos sa kakamadali niya ay nadala niya ang cellphone nito. Habang tulog ang dalaga panay halik niya sa kamay nito. Ayaw din maampat ang luha na patuloy dumadaloy sa kanyang pisngi. “Baby, naririto na ako, please gumising ka na.” kanina natanggap niya ang tawag mula sa kapatid. Sinabi nitong tinamaan ng bala sa likuran si Janet. Halos paliparin niya ang big bike sa bilis ng pagpapatakbo. Nang mga oras na yon ay kagagaling niya sa jail. Dahil sa kahilingan ni Acer Muller na puntahan niya ito. At hindi siya makapaniwala na ito tunay na apo ni Senyor Muller. Kaya nai