HINDI dapat aalis si Matteo, pero kailangan raw nitong magtungo sa head office. Hindi na nagtanong si Roseanne, kundi tinawagan ang ilan sa trusted bodyguard. “Huwag kayong magpahalata sa sir nyo. Protektahan nyo siya ng sikreto. Hindi non magugustuhan kapag nalaman na padala ko kayo.” “Masusunod, Senorita Roseanne.” “Go!” Hindi mapalagay si Roseanne, iba ang pakiramdam niya sa pag-alis na yon ni Matteo. At kahit ayaw niyang gawin kailangan niyang gumamit ng ibang numero. Nagpadala siya ng mensahe kay Mattias pati na kay Jags. Humingi din siya ng back up sa Del Fierro cousins. Ilang araw na lang at kailangan na niyang magtungo sa ospital. Hindi niya kakayanin ilabas ang mga bata ng normal delivery. Lalo pa at unang panganganak niya. Malakas ang pakiramdam ni Roseanne na kikilos a