Ember Montgomery Magkahawak-kamay kami ni Devin na lumabas ng opisina ko, at parehong may matamis na ngiti sa mga labi. Sumalubong naman sa amin ang mga ususero at ususerang empleyado, na lahat ay may pare-parehong reaksyon—gulat, at saya. Halos lahat sila ay nakanganga. "Bye, Ma'am!" "Ingat po!" "Bye, Sir pogi!" "Kaya pala blooming palagi si Ma'am Ember!" "Bagay na bagay po kayo, Ma'am, Sir!" Nangibabaw bigla ang sigawan nila, at tilian sa buong opisina. Lahat sila ay may mapanuksong ngiti at tingin. May mga naglabas pa ng cellphone nila at itinutok sa aming dalawa. Napangiti na lamang din kami ni Devin. Hindi ko na sila sinaway pa dahil alam kong hindi na mapipigilan pa 'yan, lalo na kung lalabas kami ngayon ni Devin sa maraming tao. "Time to go home, all of you," I told them, w