THIRD PERSON POV GABI. Biglang binulabog si Emreign ng malakas na palahaw ng sanggol sa loob ng simbahan, sa kabilang bahagi ng mga nakahilerang mga upuan. Napatitig siya sa mag-inang nakaupo sa dulo ng isang mahabang upuan. Pilit nitong pinatatahimik ang batang hawak. Pinahiga niya ito sa kandungan niya, bago itinaas ang damit hanggang dibdib. Hindi nagtagal ay tumahimik na rin sa pag-iyak ang sanggol. Muling pumaling ang mukha ni Emreign sa altar. Pero hindi mawala-wala sa isip niya ang malakas na iyak ng sanggol, na tila ba may gusto itong ipaalala sa kanya. Nag-e-echo ang boses nito sa tainga niya. Ramdam niyang tila pinipiga ang puso niya sa mga sandaling iyon. Ilang ulit niyang ipinilig ang ulo niya at muling pinagmasdan ang rebulto ni Hesukristo sa harapan. Ilang ulit din siyan
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books