Empress Napalingon ako sa pinto ng silid ko nang bumukas ito at pumasok si Silver, may bahid ng seryosong ekspresyon sa mukha. Isinara niya rin ito kaagad at ikinandado. “Any new updates about the Japanese?” I asked, currently seated at my study table, facing my laptop. Tumango siya kasabay nang pag-abot niya sa akin ng tablet niya. May mga larawan at CCTV stills na naka-display doon. “There’s a new development,” he began. “Five more women have been reported missing. Lahat sila—early twenties. Students and office workers. Pare-pareho ang pattern ng pagkawala. Huling beses silang namataan sa labas ng isang bar—kasama ang ilang miyembro ng grupong Japanese na sinusubaybayan natin.” I clenched my fists. This wasn’t the first time it happened. Maraming mga babae na ang nabibiktima nila d