Rhodora Napalingon ako sa pinto nang makarinig ako doon nang mahihinang katok. Hindi pa ako nagsasalita ay bumukas na ito kaagad at bumungad si Tito Skyler. Nakaramdam kaagad ako ng saya. Bigla akong napabangon. "Hey, how are you?" bati niya habang pumapasok. Napansin ko kaagad ang dalawang paper bag na dala niya. Alas siete na ngayon ng gabi at ngayon lang siya nakabalik. Nakahinga ako ng maluwag at pakiramdam ko ay ligtas na akong muli ngayong nandito na siya. Iba ang pakiramdam kapag siya ang kasama ko kaysa sa mga kaibigan niya, na 'yong isa ay masyado pang malamig ang pakikitungo sa akin. Si Sasha. Feeling ko ay ayaw niya sa akin at pabigat ako sa kanila kahit wala naman siyang sinasabing ganun, at inaalok pa rin naman niya ako sa pagkain. Iba lang talaga ang nafi-feel ko sa kan