Rhodora Nilingon niya ako at ngumiti. "Come on. I've got you," bulong niya. Dinala niya sa likod ko ang isa niyang kamay bago kami nagpatuloy sa paglalakad. Magkahawak naman ng mahigpit ang aking mga kamay. Nahihiya akong tumingin sa kanila. Pero hindi pa man kami tuluyang nakakalapit ay tumayo na kaagad ang ginang ng tahanan. Masasabi kong siya ang kanilang ina dahil mas may edad siya sa lahat ng naroroon, pati na rin ang katabi nitong ginoo. Mukhang ito naman ang kanilang ama. "Hi, Rhodora!" agad na bati ng ginang na may ngiti sa mga labi. "At last, we finally get to meet." Agad itong lumapit sa akin, niyakap ako at hinalikan sa pisngi. Gulat at matinding hiya naman ang naramdaman ko. "H-Hello po, Tita. Hello po sa inyo." Halos hindi ako makahinga dahil sa matinding kaba. “Ohh,