SIX MONTHS LATER Ember Montgomery "Negative..." Nangalaglag ang mga balikat ko sa resulta ng pregnancy test. Para akong tinakasan ng lakas. My hope of getting pregnant had vanished once again. Inis kong itinapon sa trashcan ang PT at huminga ng malalim sa harap ng sink. I looked at my reflection in the mirror. Para na naman ako ngayong nalugi. I had been using those damn pregnancy tests for months, yet they kept failing me. Hindi ko alam kung ano'ng problema? Sino'ng may problema sa aming dalawa ni Devin? Bakit hindi pa ako nabubuntis hanggang ngayon kahit hindi naman kami nagpapahinga sa pagtatalik? 'Di kaya baog 'yong lalaking 'yon? Mukhang kailangan na namin ng doctor. Hindi ko mapigilang kabahan. Sana naman ay walang may sakit sa aming dalawa? Baka ayaw pa lang ibigay ni Lor