Empress Minabuti ko na lang na mag-ikot-ikot. Hindi na ako babalik pa sa kainan na 'yon hangga't nandoon si Selenah. Nakakawala lang siya ng gana. The more she acts like this, my admiration for her fades. 'Di mo talaga makikilala ang mga iniidolo mong celebrity o modelo hangga't 'di mo sila nakakasama. You think they're amazing because of what they show on camera or in public, but behind all that glamour, some of them are just plain awful. Hindi na ako magtataka pa lalo't anak-mayaman siya. Lumaki sa pribilehiyo, nasanay na laging siya ang nasusunod. Siguro nga kahit respeto, iniisip niyang nabibili ng yaman nila. Tsk. Napabuntong-hininga ako ng malalim habang lumilinga sa buong paligid. May ilang mga banyaga akong nakikita—naglalakad-lakad din ang iba, ang iba naman ay mga nakaupo sa