EMPRESS
“E, get ready. We’re on our way to your apartment … and Hescikaye is with me.”
Napakunot ang noo ko sa linya ni Aegia mula sa earpiece. May kaba na agad akong naramdaman sa tono ng boses niya—galit, tensyonado, mabigat.
“Did something happen? Akala ko ba ... pinag-uusapan pa lang ngayon ang kasal nila ni Shield?" tanong ko sa kanya.
"Yung gago—pinagtangkaan niyang halayin si Kaye!"
Bigla akong napahinto at napanganga sa sinabi niya. Bumalik bigla sa cup ang nginunguya kong noodles. Ganun na lamang ang kabog ng dibdib ko. "W-What?"
“Good thing I showed up in time. Nahuli ko sila sa mismong loob ng restroom. At hindi ko napigilan ang sarili ko—"
"Ano'ng ginawa mo sa kanya?" agad kong tanong.
"Pasalamat siya at hindi ko siya pinatay. Pero sinigurado kong hindi siya makakatayo agad. Pero darating din kami d'yan. Papatayin ko talaga siyang hayop siya."
Ramdam ko ang matinding galit sa boses ni Aegia. At sa dami ng beses ko na siyang nakasama sa laban, ngayon ko lang siya narinig magsalita nang gano'n—tulad ng isang liyon na handang pumatay.
Humigpit ang pagkakakuyom ko sa kamao ko. Napalunok ako ng hindi oras.
"Kailangan niya nang matataguan, pero kailangan din niya ng pansamantalang trabaho," turan muli ni Aegia sa kabilang linya. "Her father closed all of her bank accounts, so she has no money right now. I'll explain everything later."
"Okay. I'll be waiting," sagot ko.
The call ended right after that.
Napabuntong-hininga ako ng malalim habang nakatitig sa cup noodles ko sa mesa.
Malala na talaga ang sira ng utak ng Shield Montgomery na 'yon kung totoo ang sinasabi ni Aegia. Paano niya nagawang pagtangkaang halayin si Hescikaye—isang anak ng Villaroel? Wala na ba siyang pinipili?
At hindi ko alam na namimilit din pala siya ng babae?
I’ve been watching him for weeks—talked to people who know him, dug up everything I could. Pero wala akong nalaman o nabalitaan na pinilit niya ang sinuman para lang sa s*x. Dahil ang mga babae mismo ang kusang lumalapit sa kanya at inaalok ang mga sarili nila.
So… what happened?
O baka naman nagkamali lang nang nakita si Aegia? Baka naman talagang gusto nina Shield at Hescikaye pareho ang isa't isa at ang ginagawa nila sa loob ng restroom, pero pumagitna bigla si Aegia. Eh, sa hitsura niya, mukha siyang may gusto sa best friend kuno niya. Best friend nga ba o may lihim siyang damdamin para kay Hescikaye Villaroel?
And really, Shield wouldn’t need to force himself on Hescikaye—after all, they were supposed to get married... Pero pwede ring ayaw sa kanya ni Hescikaye, at gusto naman siya ni Shield.
Pero sigurado akong hindi niya pipilitin 'yon.
Tsk. Ano nga ba ang totoo?
Muli akong huminga ng malalim.
Naisipan ko nang tumayo at magluto na lang nang hapunan para sa mga bisitang parating. Keeping myself busy was better than sitting and letting my thoughts spiral.
***
Two hours had passed, and they still hadn't arrived. Naghanap ako sa mga sites kung saan ko pwedeng ipasok ng trabaho si Hescikaye. Napangiti ako nang makita ko ang Garland's Bistro.
Naisipan ko nang ituloy ang pagkain ko dahil nagugutom na talaga ako. Hindi ko naubos kanina ang noodles ko dahil palaging nililipad ang utak ko patungkol kay Shield.
Pero nagsisimula pa lang ako nang mapalingon ako sa main door na tanaw mula dito sa kusina. Bumukas ito at bumungad doon si Aegia, na may kasamang isang babaeng... Nangunot bigla ang noo ko sa babaeng kasama niya.
What the f**k? Siya ba si Hescikaye?
Pero mukhang naka-disguise siya. Sabog-sabog ang mahabang buhok, may bangs, makakapal ang mga kilay, may malaking birthmark sa pisngi at maliit naman sa ilong. Nakabukol din ang nguso nito na mukhang nakasuot ng fake gums. Nakasuot din siya ng mahaba at bulaklaking duster.
Muli akong napahinto nang makita ko ang malaki nitong tiyan. Wait a second... Is she pregnant?
Tangina. Ano bang pinaggagawa ni Aegia sa best friend kuno niya? Nasobrahan naman yata siya, at hindi na ito kapani-paniwala.
Gusto kong matawa, pero mahigpit kong pinigilan ang sarili ko. Baka isipin pa ng babae, pinagtatawanan ko siya o nilalait ang hitsura niya.
Hindi rin naman nagtagal ay nagtama ang aming mga mata.
I immediately smiled at her. “Hi!”
Tumayo ako at lumapit sa kanila. Iniwan ko na muna ang kinakain ko.
"Siya ba?" I asked Aegia.
"Aha. Dito na muna siya. Ikaw na ang bahala sa kaniya."
“Sure.” I turned to Hescikaye again and extended my hand. “Hi, I’m Empress Hardy. You are?”
Nabasa ko sa mga mata niya ang pag-aalinlangan at kalituhan. Agad din niyang nilingon si Aegia, na tila humihingi pa ng tulong.
"From now on, I'll call you Aye. A short name from Hescikaye. Ok lang ba sa 'yo?" agad ko na ring dagdag habang may matamis na ngiti sa mga labi.
Muli naman siyang bumaling sa akin. Mukhang nagulat pa siya dahil nalaman niyang kilala ko na siya. Pero bahagyang lumiwanag ang mukha niya.
"O-Okay." Tinanggap na rin niya ang kamay ko, at bahagyang ngumiti.
"Tomorrow, I'll take her to Mr. Garland. They now need a cook at their branch at BGC Taguig," I told Aegia.
"Garland? Cook?" tanong ni Hescikaye na siyang ikinalingon kong muli sa kanya.
Nakalarawan na ang gulat sa kanyang mukha. Nanlalaki din ang kanyang mga mata at ramdam ko ang kaba sa kanya.
I smiled again. “Yes. Are you familiar with the Garlands?”
“Of course, she knows them very well,” sagot ni Aegia kasabay nang pagbaba niya ng isang bag sa sofa. "Dahil si McLaren Garland ay ipinagkasundo rin ng mga magulang nila sa bunsong kapatid ni Hescikaye na si Hannafaye... See? Di magandang ehemplo ang ama nila. Sarap ipasunog ng buhay." Nanggigigil siya sa galit.
Hindi naman sumagot si Hescikaye, at napayuko na lamang, na parang pasan ang buong mundo.
"Halika na, kumain ka na muna." Inakbayan niya si Hescikaye at hinila patungo sa kusina.
"W-Wait." Huminto naman si Hescikaye at inilabas ang isang throw pillow mula sa tiyan. Hinubad niya rin ang suot niyang gums.
Hindi ko na talaga napigilan pang matawa.
"Bakit naman masyadong todo effort ang disguise niya?” tanong ko kay Aegia dahil sigurado akong siya ang may kagagawan niya. Oo, palagi din naming ginagawa 'yan sa mga misyon namin, pero hindi ganyan ka-OA.
“I already told her I didn’t want to do this. It’s too much,” sagot kaagad ni Hescikaye kasabay nang pagsimangot nito.
"Tigilan mo ang kakareklamo!" singhal naman ni Aegia sa kanya. "Ano? Gusto mo bang mahanap ka kaagad ng tanginang Shield na 'yon?! Siguradong sa susunod, mapapatay ko na talaga siya! At hinding-hindi ko na talaga pipigilan pa ang sarili ko."
I smiled again. “Calm down.” Lumapit ako sa kanila at tinapik-tapik siya sa likod. "Hindi ka makakapagplano ng matinong paghihiganti kung palagi kang high blood."
"Kung hindi lang ako nakapagpigil, pupulbusin ko talaga siya. Puputulin ko pa ang ari niya at ipapaulam sa mga buwaya," aniya sa akin. Nakikita ko ang nag-uumapaw na galit sa mga mata niya.
My smile slowly faded. I turned to Hescikaye. “Is it true? Ginawa niya ba talaga 'yon sa 'yo?"
Marahan naman siyang tumango. “It almost happened. Kung 'di dumating si Aegia, siguradong nakuha na niya ang gusto niya." Napansin ko ang biglaang panginginig ng katawan niya at pangingilid ng luha sa mga mata niya.
Bigla akong natahimik. May naramdaman akong kurot sa dibdib ko.
Hindi ako makapaniwalang magagawa rin 'yon ni Shield. Kabaliwan ang kung anumang nararamdaman ko para sa kanya. Kailangan ko itong patayin.
Isa nga talaga siyang demonyo.
"May araw din sa akin ang Shield Montgomery na 'yan," turan ni Aegia na puno nang pagbabanta. "Makikita niya ang hinahanap niya."
Tahimik akong tumango, pero sa loob-loob ko... f**k!
Muli akong napahinga ng malalim.
I don’t even know what I’m feeling. It shouldn’t be like this. I shouldn’t be affected.
Misyon ko si Shield at ang buong pamilya nila.
Kailangan kong patayin ang silakbo ng damdamin ko at mag-focus sa totoong trabaho ko sa kanila—hindi bilang isang modelo, kundi bilang undercover agent. Ang layunin ko ay alamin ang bahong tinatago nila.
There’s no room for personal feelings in this job, especially if those feelings are for the man who’s ruining the lives of my fellow women.
Shield Montgomery...
The battle isn’t over. Sa oras na mabuo ko ang buong katotohanan, siguradong hindi lang isang buhay ang magbabago—kundi buong sistema nilang kinatatayuan.