Signed to Die, Bride on the Run 38: Breakfast in Bed /R18

1780 Words

Rhodora "Good morning!" Napatanaw ako sa labas ng pinto nitong banyo. Naaktuhan ko ang pagpasok ni Tita Empress ng silid habang may bitbit na isang tray, na may lamang mga pagkain. Agad na rin akong nagpunas ng aking mukha at dahan-dahang lumabas ng banyo. "Good morning po, Tita. Bababa na po sana ako, eh." "Going down the stairs might be hard for you. Heto na, nagluto ako ng masarap na sopas na nilagyan ko ng maraming vegies. It's good for you." Ibinaba niya ang tray sa ibabaw ng study table ni Skyler. "Dito ka na kumain para maayos kang makaupo." Itinabi niya ang ilang gamit na naroroon. "Maraming salamat po, Tita." "Tita na naman?" Nakangiti siyang lumapit sa akin at kinuha ang nakasampay na tuwalya sa balikat ko. "Kailan ka ba masasanay na tawagin akong Mommy?" Dumiretso siya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD