Empress TANGHALI na nang makarating kami sa mansion ng mga Montgomery. Kahit nakasuot ng sunglasses si Tom, ramdam ko pa rin ang mga titig niya sa akin. Bigla akong napalingon kay Shield nang ibalot niyang bigla sa baywang ko ang coat niya at ibuhol sa harapan ko. "B-Bakit?" nagtataka kong tanong sa kanya. Kabababa lang namin ng chopper. “You’ve got a stain, honey,” he whispered, making my eyes go wide. "M-May tagos ako?" bulong ko rin. "Shit." Napalingon akong bigla sa pwetang bahagi ko, pero hindi ko na ito makita dahil natatakpan na ng coat niya. Bigla siyang tumawa kasabay nang pag-akbay niya at tuloy-tuloy naming paglalakad. Ang mga gamit namin ay dala ng mga tauhan nila. Ramdam ko nga na mas lalo pang lumakas ngayon ang period ko. Kahapon ay wala siyang pakialam kahit meron