Rhodora Pinakawalan din niya ang mga labi ko at muling tumitig sa akin. "Your lips ... they're sweeter ... than I imagined." Muli na naman akong pinamulahan at 'di makatingin sa kanya ng tuwid. Siya nama'y nakangiti at taimtim na nakatitig sa akin. "Gusto mo bang umuwi na ngayon? Ihahatid kita." Muli akong napatingin sa kanya. "P-Pagod ka na. Nangingitim na ang palibot ng mga mata mo. Kumain na ba kayo?" "Not yet, but I'm okay. I can still take care of you." Bigla akong napanganga sa sinabi niya. "N-Naku, kumain ka na muna. Hayaan mo na, bukas na lang ako uuwi. Pwede naman bukas, eh. Malayo pa ang barangay namin. Kailangan mo na ring magpahinga muna. Alam kong pagod kayo at wala pang tulog. Kagabi pa kayo umalis at ngayon lang nakabalik." Muli siyang ngumiti habang nakatitig sa ak