TWO MONTHS LATER Ember Montgomery "You're so beautiful." "Thank you," nakangiti kong sagot kay Paolo habang kausap ko siya ngayon sa phone ko. Nakaharap din ako ngayon sa salamin dahil abala pa rin sa pag-aayos ng buhok ko ang mga hairstylist ko. Natapos na sila sa makeup ko, at maya-maya lang ay ang wedding gown ko naman ang huli kong isusuot. Si Paolo ay nananatiling nakangiti habang nakatitig sa akin. Nakikita ko ang labis na paghanga sa mga mata niya. He was in his bedroom, taking advantage of the moment to call me while his girlfriend was in the bathroom. This was the first time I had spoken to him since he left the Philippines eight months ago. "Hindi ka ba talaga umuwi para sa Daddy mo?" tanong ko sa kanya. Two months na ang nakalilipas buhat noong kumalat ang balita tungko