Signed to Die, Bride on the Run 23: Muling Pagharap sa Bangungot

1631 Words

Rhodora "Ate, saan ka ba itinago ni Kuya Skyler at nahirapang maghanap sa'yo 'yong mga tauhan ni Marcel? Buong bayan ginalugad nila. Maging pati kami ay bantay-sarado niya," tanong ni Roza. Gabi na at naririto na ako sa silid ko, pero ang mga kapatid ko ay nakikiusyoso pa sa akin. Nakahiga din sila dito sa kama ko at napapagitnaan nila ako ni Ramona. "Sa kabilang bayan 'yon," sagot ko naman. "Hindi ko rin alam kung saang barangay. Nag-rent lang sila doon ng bahay." "Ibig sabihin, may mga kasama pa siyang iba?" tanong muli ni Roza. "Marami sila, bale isang team sila na naghanap kay Erica Fajardo. Mga undercover agent silang lahat. Dalawang babae at apat na lalaki." "Wow, may mga babae din pala, ate?" tanong kaagad ni Ramona. "Ang astig! May mga baril silang lahat?" "Siyempre, meron '

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD