Empress
Napatitig ako sa hubad kong katawan sa harap ng salamin dito sa kwarto ko. Nalinis ko na ang dibdib ko at ngayon ay mas malinaw ko nang nakikita ang mga pilat ko. Mga bakas ng karahasan at pananamantala sa nakaraan ko.
Only my family knows about them. But now, someone else has seen them. Someone who's part of the mission I'm currently on. Ang lalaking walang ipinagkaiba sa mga taong gumawa nito sa akin.
Si Shield Montgomery.
Na para bang sinadya ng tadhana na siya ang makakita sa mga pilat na pilit kong itinatago sa mundo. Sa kanya pa talaga, sa lalaking pinakaayaw kong bigyan ng kahit kaunting bahagi ng kahinaan ko. Sa lalaking kaya akong sirain—hindi lang bilang undercover agent, kundi bilang babae.
Pumikit ako at pilit na pinigil ang pag-alon ng dibdib kong hinahabol ang paghinga. Hindi dapat ako magpakita ng kahinaan. Hindi ngayon. Lalo na't nararamdaman kong unti-unti nang gumuguho ang depensang itinayo ko sa paligid ko mula pa noon.
I needed to stay away from him. I needed to end it. The mission. Any sort of connection. Bago pa niya tuluyang makita ang kabuuan ng pagkawasak ko.
Pero bakit ang hirap?
Bumalik sa isipan ko ang mga yakap at halik niya sa akin kanina lang. Kung paano siya naging gentleman sa akin, na parang ibang tao siya. Walang galit. Walang pwersa. Walang pananamantala.
Para bang sandali siyang naging tahanan ko.
Naipikit ko ang aking mga mata dahil pakiramdam ko hanggang ngayon ay lumalapat pa rin sa balat ko ang mga labi niya. Kung paanong ang mga kamay niya ay marahang humahaplos sa katawan ko, na puno ng pag-iingat, puno ng lambing—nag-iwan ng init na hindi ko maalis-alis.
Hindi pa rin ako makapaniwala. Hindi niya ako nagawang saktan kanina, na 'di tulad nang mga ginagawa niya sa ibang mga babaeng nakakasama niya. Hindi niya ako tinrato na parang laruan lang na puwedeng gamitin at itapon.
For the first time, Shield was different. Like someone who knew how to be gentle, how to hold back, how to love... or kung hindi man, isang taong malapit nang matutong magmahal.
And that's what scared me the most.
I'm already afraid ... because the longer this goes on, the deeper I fall for him.
Ang sabi ko sa sarili ko bago ako dumating kanina sa studio, para sa trabaho na lang ang ipupunta ko doon. Kailangan ko nang patayin ngayon pa lang ang namumuong damdamin sa puso ko para sa kanya.
Pero ano ito? Why did everything suddenly change?
Bakit parang hindi na ako sigurado kung alin ang misyon ... at alin ang totoo?
Kanina ay hinabol pa niya ako. Mabuti na lang at nakapagtago kaagad ako at natakasan ko siya. Ang inaalala ko na lang ngayon, baka sabihin niya sa kanyang ina o kapatid ang tungkol sa mga pilat ko sa katawan at magdesisyon silang tanggalin na ako bilang modelo.
Hindi pwedeng mangyari 'yon. The mission isn't over yet. We're just getting started.
Napabuntong-hininga ako ng malalim.
Minabuti ko nang magbihis. Maaga pa kaya magtutungo ako ngayon sa condo para kumustahin doon ang kapatid ko. Hindi pa umuuwi si Hescikaye kaya hindi ko alam kung ano nang nangyari sa kanya sa mga Garland.
I hope she got accepted for the job.
******
"How was your first day of internship?" tanong ko kay Emery habang nag-aayos nang mga pinamili kong grocery dito sa kusina.
"Okay naman, Ate," sagot niya, sabay abot ng isang pack ng pasta sa akin. "Medyo nakakapanibago lang. Ang daming kailangang matutunan agad, pero masaya rin kasi mababait 'yung mga kasama ko."
I looked at her while putting the canned goods into the pantry. "Mukhang napagod ka kaagad. Kumusta ang biyahe? Naranasan mo na rin kung paano maipit sa traffic dito sa Manila."
She nodded and smiled. "Seriously, Ate. I thought traffic only happened in the province during festivals or accidents, but it's every day here."
Natawa ako. "Welcome to the jungle." Pinantay ko ang pagkakaayos ng mga de lata.
"Lakas pa ng ulan kanina," dagdag pa niya habang binubuksan ang isang supot ng prutas sa mesa. "Basang-basa 'yung laylayan ng pants ko. Good thing I brought an extra pair."
"Good thinking," sabi ko. "Dapat talaga laging handa lalo na sa panahon ngayon. Lalo na kung commuter ka."
"Gamitin ko na lang kaya 'yong car mo, Ate? Parang kaya ko namang mag-drive dito, eh."
I looked at her, raising an eyebrow. "Talaga lang ha? Marunong ka na bang mag-drive sa EDSA? Baka sa first intersection pa lang, umayaw ka na."
"Hindi naman ako dadaan ng EDSA, eh."
"EDSA 'yong tinatawiran mo bago ka makarating sa EDEN (Engineering Design & Environmental Nexus) Tower. We're here in BGC."
"Oh, so that's EDSA? The one with the MRT?" Bahagyang namilog ang mga mata niya.
"Correct."
"Ate, I want to ride the MRT. I haven't experienced it yet."
"Makikipagsiksikan ka rin sa mga pasahero do'n?"
"Wala naman sigurong ipinagkaiba 'yon sa bus." Inilagay naman niya ang mga prutas sa refrigerator. "Besides, it's also an experience, Ate. They say you're not a true Manila resident until you've ridden the MRT during rush hour."
"Saan ka naman pupunta kung ganun? Hindi mo naman kailangang mag-MRT pauwi dito sa condo."
"Anywhere. I'm also planning to roam around the whole city."
"Better do those things after you graduate. Para hindi maabala ang concentration mo sa internship mo ngayon. Ilang buwan na lang din naman ang ipaghihintay mo."
"I know, Ate. Just planning. Not now." Hinila niya ang isang silya dito sa mesa at naupo. Nagbukas siya ng isang crackers at sinimulang kainin. "How about you, Ate? Siguro buong siyudad, nalibot mo na, no? You've been living here in Manila for years. You even stayed in Baguio during your training."
Kung alam lang niya, buong Pilipinas ay nalibot ko na. Nakarating pa kami ng Indonesia, Malaysia at kung saan-saan pa dahil sa mga misyon namin.
Ngumiti ako, at bahagyang tumango. "Yes, I've been to different places too. Pero hindi para mamasyal."
"Teka nga, Ate. Masyado kang malihim. Baka naman may boyfriend ka na, pero hindi mo pa ipinapakilala sa amin, ha. Imposibleng wala ka pang nakakabangga dyan na pogi. Napakarami no'n dito sa Manila."
Natawa akong muli sa sinabi niya. "I don't have time for those things."
"You're already twenty-five, Ate. At your age, you should have a boyfriend already. They say it's better to have kids early. Pag laki ng anak mo, para lang kayong magkapatid dahil bata ka pa."
"Narinig ko na 'yan dati," sagot ko habang nililigpit na ang mga plastic bag. "Pero hindi kasi 'yan ang basehan ng pagiging masaya o fulfilled sa buhay, Emery."
"I'm not saying you're not happy, Ate. What I mean is, sayang naman 'yang beauty mo kung hindi mo ibabahagi sa iba." Kumindat pa siya bago uminom ng orange juice sa baso.
Napailing ako habang nakangiti. "Eh, paano kung mas gusto ko munang ibuhos 'yung oras ko sa sarili ko? Sa trabaho? Sa mga pangarap ko?"
"Valid naman 'yon. Pero sana dumating din 'yung tamang tao para sa'yo. 'Yung hindi mo kailangang pagdudahan, 'yung hindi mo kailangang itago sa kahit kanino. 'Yung saktong-sakto sa'yo, Ate."
Bigla akong natahimik. Sumaging bigla sa isipan ko si Shield.
Sa buong panahon nang paninirahan ko dito sa Maynila, ngayon lang tumibok ang puso ko para sa isang lalaki. Sa lalaking hindi karapat-dapat at nababalutan ng hiwaga ang pagkatao.
Sa lalaking dapat kong bantayan, hindi pagkatiwalaan. Sa lalaking bahagi ng misyon, hindi ng personal kong buhay.
"Ate, do you still remember Lorenzo? 'Yong patay na patay sa'yo? Anak ni Don Alejandro."
"Oh, what about him?" Dinala ko ang mga gulay na lulutuin ko sa lababo.
"Hanggang ngayon, tinatanong ka pa rin niya sa akin. Kailan ka daw uuwi? Nagpunta daw siya dito sa Maynila last week. Hinanap ka daw niya sa address na binigay ni Mama, pero hindi ka daw niya nakita."
Bigla akong napahinto. "What address did Mama give him?"
"Yong dati mo yatang tinitirhan 'yon, Ate. Panay-panay din ang pangungulit niya sa akin. Ayaw akong tigilan. Hinihingi niya ang number mo. Sabi ko na lang, hindi ka pwedeng istorbohin dahil busy ka sa trabaho."
"Right. Huwag na huwag mo talagang ibibigay sa kanya o kahit kanino pa ang contact number ko."
"Sana kasi ako na lang ang ligawan niya. Sayang ang kagwapuhan niya. Hmp!" Umirap siya sa hangin.
Nginiwian ko siya. "Tumigil ka nga. Tapusin mo muna 'yang pag-aaral mo bago 'yang ligaw-ligaw na 'yan."
"I'm almost there, Ate. Kaunting tiis na lang, makakapag-boyfriend na rin ako!" tumili siyang bigla.
Natawa ako at napailing. "Mukhang pakikipagrelasyon ang goal mo after mo maka-graduate, ah. Uunahan mo pa talaga si Ate."
"Eh, gusto mo naman yatang tumandang-dalaga, Ate. Ayoko ngang tumandang-dalaga. Ikaw na lang."
Muli akong natawa.
"Ayaw mo ba talaga kay Lorenzo, Ate? Tagapagmana 'yon ng hacienda. You'd be an instant billionaire if you married him. Di mo na kailangan pang magtrabaho at magpakahirap."
"I'm not looking for instant wealth, Emery. I don't have feelings for him. Mahirap pilitin ang puso."
"Lorenzo's kind, Ate. He's easy to learn to love."
"Nah, whatever. I'm not interested. I have no plans, so stop it. You can have him if you want."
"Sa akin na lang talaga siya, Ate! Talagang hindi ko siya pakakawalan. Nasa kanya na kaya ang lahat. Napakaswerte na nang magiging jowa niya, at ako 'yon! Ang guwapo na, mayaman pa, tapos may hacienda pa! What more could you ask for?!"
I just laughed again and shook my head.
Mabait nga si Lorenzo, pero ... ewan ko ba. Nawalan na talaga ako ng tiwala sa mga lalaki. Lalo na 'yong mga mababait na tao na parang laging may itinatagong motibo sa likod ng mga ngiti nila.
Kagaya ni Shield.
Kagaya ni Lorenzo.
Pero hindi ko naman nilalahat dahil sa mga kasamahan kong agents na mga lalaki ay buo naman ang tiwala ko sa kanila. At mayroon pa rin akong tatay na responsable at ni minsan ay hindi pa niloko si Mama.
Pero iba kasi kapag puso na ang usapan.
Kapag trabaho, malinaw ang hangganan. Alam ko kung sino ang kakampi, kung sino ang kalaban. Pero pagdating sa damdamin... lahat nagiging malabo. Kahit 'yung mga mukhang totoo, nagiging kaduda-duda. Kahit 'yung mga mukhang pangarap, pinipilit kong iwasan.
That's probably why, even if Lorenzo is kind and many women dream of catching his attention, I can't open myself to the possibility.
Because in the end, it's not just trust that's needed... but the courage to take a risk.
******
KINAGABIHAN, nagtungo akong muli sa mga bar na madalas tambayan ni Shield.
Sa isang bar ay natagpuan ko ang kotse niya. Lumakas na naman ang t***k ng puso ko habang pumapasok sa loob.
Hindi pa man ako tuluyang nakakatawid sa main entrance ay agad na akong sinalubong ng malakas na tugtog at masangsang na amoy ng alak at usok ng sigarilyo. Marami nang tao sa loob—mga nagtatawanan, nagsasayawan, at tila ba walang pakialam sa mundo.
My eyes scanned the room. After a few moments, I saw him.
Nasa pinakadulo siya ng bar, nakaupo sa isang high stool, hawak ang baso ng whiskey at may kausap na babae—maganda, seksi, at halatang sanay sa gano'ng klaseng lugar.
I clenched my fists tightly. Not out of jealousy. I wasn't sure why. Siguro dahil hindi ko na naman siya makilala ngayon.
Shield always wore a mask. I had never truly seen him as himself. Always playing a role, always putting on a damn show.
Napabuga ako ng malakas na hangin. Tuloy-tuloy akong naglakad patungo sa bar counter.
Umupo ako ilang upuan ang layo sa kanya, sapat para hindi niya kaagad ako mapansin lalo't bahagya siyang nakatalikod sa akin at abala sa pakikipaglandian sa babaeng halos makita na ang buong kaluluwa.
"Isang whiskey, neat. 'Wag mo nang dagdagan ng drama," ani ko sa bartender.
Bigla itong napangiti habang nakatitig sa akin.
"I like your style," aniya habang ibinubuhos ang alak sa baso. "Rough night?"
Tinanggap ko ang baso, at hindi agad sumagot. Tumingin lang ako saglit sa direksyon ni Shield—na ngayo'y bahagyang tumatawa habang may ibinubulong sa tainga niya ang babae.
"Something like that," sagot ko sa wakas, bago ininom ang kalahati ng laman ng baso sa isang higop.
"Let me know if you need another round," sabi pa ng bartender bago lumipat sa kabilang customer.
Tahimik akong nanatili sa kinauupuan ko, habang pinipilit huwag magpakita ng kahit anong emosyon. Pero sa loob-loob ko, may kung anong namumuong kirot. Hindi dahil sa selos—hindi lang talaga matanggap ng sistema ko kung paanong kayang ngumiti ni Shield ng gano'n ... habang wala siyang kaalam-alam na ilang upuan lang ang layo ko sa kanila.
Isang lalaki naman ang biglang umupo sa tabi ko. "Double scotch, on the rocks," anito sa bartender.
Bigla naman akong napalingon sa kanya nang makilala ko ang pamilyar niyang tinig. Ngunit ganun na lang ang gulat ko nang makilala ko nga siya ng tuluyan.
Nakangiti na siya habang nakatitig sa akin. "Finally, I've found you, Miss Grumpy."
"What the hell? L-Lorenzo?"
Fuck! Pinag-uusapan lang namin siya kanina ni Emery. Tapos ngayon, nandito na kaagad siya?
Mas lalo pang lumapad ang ngiti niya. "Nice. Kilala mo pa pala ako... Akala ko, nagka-amnesia ka na."
"What are you doing here?" agad kong tanong sa kanya. "Are you following me?"
"Just a coincidence that I'm here ... or maybe it's fate?" He gave me a wink.
"Cut the drama, Lorenzo." Napahilot akong bigla sa noo ko.
"Hey, it's still me—the guy you told you'd never love," sagot niya, sabay tikim ng inumin. "But look at us now—magkatabi, sa isang bar, under dim lights. Romantic, huh?"
Napabuntonghinga ako ng malalim. "If you plan to ruin my night, you better leave."
"Wow. Straight to the point. Ganyan pa rin pala ang charm mo hanggang ngayon. But sorry, I'm not arresting you for your feelings tonight. I'm just here ... to talk... O baka naman—wait, may hinihintay ka bang ka-date ngayon dito? Meron na ba?"
"Meron." Isang lalaki ang bigla na lamang nagsalita sa likuran namin. Nagulat din ako sa biglaan kong pag-angat sa silya at inilipat ako sa ibang silya malayo kay Lorenzo.
Nagulat ako kay Shield na mabilis na umupo sa silyang inalisan ko at hinarap si Lorenzo. "Do you need directions out? Because it seems like you're not getting the message—she doesn't want anything to do with you."
Ramdam ko ang lalim at kaseryosohan sa boses niya.
"Sh-Shield..." Wala sa sarili akong napahawak sa braso niya upang pigilan siya sa ginagawa niya. Ngunit bigla akong napasubsob sa balikat niya mula sa likod niya nang hilahin niyang bigla ang kamay ko patungo sa harapan niya. Mabilis din niyang hinawakan ang batok ko kasabay nang paglingon niya sa akin hanggang sa maglapat ang mga labi naming dalawa.
Gulat na gulat ako sa ginawa niya at hindi kaagad ako nakagalaw. Siniil niya ng matagal na halik ang mga labi ko.
Muli niya ring nilingon si Lorenzo, na pareho kong gulat na gulat sa nakita.
"Siguro naman 'yon gets na gets mo na," nakangisi at maangas pa rin niyang turan kay Lorenzo.
"Empress..." Agad tumayo si Lorenzo at tangka na sanang lalapit sa akin.
Pero mabilis ding tumayo si Shield at agad akong ikinubli sa likod niya. “What? Careful, man. You’re stepping into boyfriend territory... She’s my girlfriend.”
Nagulat ako sa sinabi niya. G-Girlfriend? Ako?
“You better bring an army if you plan to take even one step closer,” dagdag pa niya. Hindi ako makapaniwala sa mga pinagsasasabi niya!
Napatingin muli sa akin si Lorenzo. Puno ng mga tanong at pagtataka ang mga mata niya. “Is he telling the truth? Who the hell is he?” tanong niya habang nakatingin sa akin.
“Wow. You really have no idea, huh?” maangas pa ring tanong ni Shield sa kanya.
“I-I’m sorry, Lorenzo. A-Ayoko ng gulo," ani ko sa kanya. Napayuko na lamang ako. Mas mabuting umalis na lang siya dahil hindi niya kilala ang Shield Montgomery na 'to. Ayokong madamay siya sa gulo.
Napatingin na lamang akong muli sa kanya nang makita ko na siyang naglalakad na palabas ng bar. Nakatingin na rin sa amin ang ilang mga taong naririto sa loob at malapit sa kinaroroonan namin.
Humarap sa akin si Shield at tumitig sa akin ng taimtim. “You need to come with me,” aniya kasabay nang mahigpit niyang paghawak sa braso ko at hinila ako patungo sa hagdan, kung saan sa taas ay may mga VIP rooms.
Bigla akong kinabahan. s**t. Ipapasok ba niya ako sa isa sa mga 'yon?
Doon niya ginagawa ang mga pambababoy at pagpapahirap niya sa mga babae!