THIRD PERSON POV "Boss, pasensiya na, bigla na lang po siyang nawala, eh." "Paanong nawala?!" agad na sigaw ni Shield sa dalawa niyang tauhan na nasa harapan niya. Bumalik ang mga ito nang hindi na nila mahanap ang babaeng pinasusundan sa kanila. "Boss, pumasok siya sa isang coffee shop," paliwanag ng isa sa kanila, na halatang kabado. "Naghintay kami ng ilang minuto sa kanya sa labas. Tapos no'ng hindi pa rin siya lumalabas, pumasok na ako sa loob. Pero hindi ko na siya nakita doon. Hinalughog ko na 'yong CR. Pinagtanong ko na siya sa mga empleyado at mga customer pero ang sabi nila, wala raw silang napansing ganoong babae sa loob. Para bang ... para bang naglaho siya bigla." Napahawak si Shield sa sentido at mariing pumikit, at pilit pinapakalma ang sarili. Ramdam na ramdam niya ang