CHAPTER 17: Tension and Desire

2038 Words
Shield "Parang nawala bigla ang mga pasa mo sa mukha, Shield. Sobrang gwapo mo na ulit," one of the models surrounding me said with a flirty grin. "Siyempre, magaling si Miss Velle," another chimed in. "Tumahimik kayo dyan. Nagugulo niyo 'ko," Velle scolded them as she continued working on my face. Each stroke of her brush was precise and gentle, like she didn’t want to cause me the slightest bit of pain. Meanwhile, the shoot at the poolside had already started—Selenah and Allen posing effortlessly in front of the camera. Pinapanood naman sila ng lahat, kabilang sila Skipper, Empress, at Luiz—except these desperate models clinging to me like leeches. Biglang yumuko sa gilid ko ang isa sa kanila habang nakatukod sa armrest ng sofa ang mga kamay, at halos ingudngod na niya sa mukha ko ang dibdib niya. May suot siyang robe pero nakaluwa ang mga s**o niya. They really don’t mind being objectified. No different from the women you see dancing in cheap clubs. "Sana makaparehas din kita kahit minsan lang sa photoshoot," she said seductively, her face now dangerously close to mine. Napansin ko ang pagkunot ng noo ni Velle habang inaayos ang kilay ko. Mukhang naiinis na naman siya, at ganun din ako sa mga babaeng 'to. I turned to the woman. “What was your name again?” Bigla siyang ngumiti nang pagkatamis-tamis. "Sa wakas, napansin mo rin ako! Pipiliin mo na ba akong maging kapareha?" “Cut it out. I just asked for your name.” "Rhodora Zenon. Shield and Rhodora, swak na swak!" Naglulukso at pumalakpak siya sa sobrang saya. “Turn around,” I said. She immediately stood straight and spun a few times beside the sofa, throwing her hips with extra flair, kaya mas malaki pa itong tingnan ngayon. My hand moved on its own again—landing hard on her ass. "Shield!" Bigla akong napalingon sa sumigaw—si mommy. Bullshit. Busted. "Mom," I answered innocently, raising my eyebrows. Napakatalim ng tingin niya sa akin, na parang handa na naman akong bulyawan. Nakatitig din sa akin ang iba pa, at isa na sa kanila si Empress hanggang sa magtamang muli ang aming mga mata. "Okay lang po, ma'am. Sanay naman na po ako kay Shield," Rhodora quickly said, trying to smooth things over. "Psh." Di ko mapigilang mapailing habang umaayos nang pagkakaupo. “Come here, Shield. Come with us!” Mom called again, her tone authoritative and firm. "Okay na po 'yan, Sir. Pwede na po," turan naman sa akin ni Velle. Tumayo na ako at lumapit na rin sa kanila. "What?" I asked Mom again. "Hubarin mo na 'yang T-shirt mo." Bumaling kaagad siya kay Skipper. "Magpalit ka naman ng underwear, Skipper. Apat na kayong sasalang sa camera. Asikasuhin niyo si Skipper!" sigaw niya sa team. A grin immediately formed on my face as I turned to Empress. Damn! This was the moment I’d been waiting for. "M-Mom?" Selenah said, clearly in shock. Wait. Skipper’s joining too? Nasaan na 'yong dalawang malamya? Bigla silang nawala? My grin widened even more. Perfect. Only someone like Skipper deserves to be Selenah's partner—hindi ang isang malamya. "Yes. Shield and Empress. Skipper and you, Selenah. Go ahead. Let's start!" Mom announced loudly, clapping her hands. Agad din siyang tumalikod at lumapit sa mga photographer. Mas lalo pa akong nagdiwang. Agad na rin akong tumalikod at mabilis na hinubad ang damit ko. "Just loosen the belt and unzip the pants," the senior stylist instructed while adjusting my belt and carefully opening the zipper. "Kailangan makita ang brief mo—lalo na 'yong logo ng brand. Dapat visible 'yan sa fit check at sa camera mamaya." Paulit-ulit lang akong tumango. Narinig ko ang mga pigil na ingay mula sa mga modelong nasa gilid—may umubo, may mga tumili, at may humagikhik pa. But I ignored all of them. The only thing I cared about ... was seeing how Empress would react. Lumingon akong muli sa pool at nakita ko siyang naroroon na—wearing an elegant black bikini with gold trim. Damn. She looked insanely hot and sexy. Litaw rin ang logo sa gilid ng bikini bottoms niya. She looked like temptation wrapped in silk. I kept my cool, but inside I was reeling. Pero hindi ako nagpahalata. Instead, I gave her a teasing smile and walked into the water until it reached my waist. Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kanya. Naramdaman ko ang mga mata niyang sumusunod sa bawat galaw ko—naglalakbay na rin sa buong katawan ko. At kitang-kita ko sa mga mata niya ang paghanga. Pansin ko rin ang maka-ilang ulit niyang paglunok, na tila pinanunuyuan na siya ng laway. Mas lalo pa akong napangisi. Huminto ako sa harapan niya, na halos kalahating dangkal na lamang ang pagitan ng aming mga katawan. And now, I could see her almost-naked form up close. Her soft, pale skin was right there in front of me. Abo't-kamay ko na ang malulusog niyang dibdib, na tila kumakaway sa akin. My curiosity burned hotter as I wondered what secrets lay beneath that delicate strip of fabric. Dahan-dahan siyang tumingala sa akin, hanggang sa magtamang muli ang aming mga mata. Nababasa ko ang kaba at pagtataka sa mga mata niya—and yet, she held her ground. She didn’t step back. She didn’t look down. "Are you ready?" I asked her in a low whisper. She nodded, though I could still see a flicker of hesitation. But it was enough—enough confidence for her to keep up with me. "Good." I moved behind her and gently placed my hands on her waist. I leaned down and whispered in her ear, "Relax, honey. No need to be nervous—I'll be a gentleman today ... for you." Pero naipikit ko nang mariin ang mga mata ko nang maramdaman ng mga kamay ko ang lambot niya. Parang sinisipsip ng palad ko ang init mula sa balat niya. Sa isang iglap, naghalo-halo ang lahat—tensyon, kaba, at damdaming hindi ko pa kayang pangalanan. I suddenly fell silent. Why does she have this effect on me? Before, this was just a game for me, with all the women, because I knew they were all the same. None of them could be trusted. Manggagamit lang silang lahat, para sa pera. But now... It's different. The way I feel while holding her—it's different. The beat of my heart is faster, more chaotic, more real. Hindi siya nagsalita. Pero ramdam ko ang bahagyang panginginig niya, ang pag-igting ng katawan niya sa ilalim ng mga kamay ko. At sa halip na umatras, nanatili siyang nakatayo. Accepting? Trusting? Or maybe it’s just that we’re in front of the cameras, and she needs to do her job. "Selenah, ano pang tinutunganga mo dyan?! Lumusong ka na sa pool!" Naagaw lang ang atensyon ko nang biglang sumigaw si Mommy habang nakatitig sa kapatid kong nakatulala pa rin sa labas ng pool. Pero si Skipper ay nasa tabi na rin pala namin ni Empress, at hindi ko na rin siya napansin kanina. Natawa na lamang akong muli at napailing. Mukhang sinasadya niyang asarin si Selenah. Ang bunso ko namang kapatid ay para nang sasabog sa matinding galit habang nakatitig sa kanya. Padabog itong lumusong sa pool at lumapit na rin sa amin. "Come on, guys. Pumwesto na kayo! We're running out of time! We need to fill many positions before we're done, so we have many options available," Mommy shouted from above while clapping her hands. The photographer was already positioned beside her. Tuluyan na ring nakalapit si Selenah kay Skipper. Hanggang sa magsimula na ang photoshoot. Naging abala ako sa pag-alalay kay Empress dahil baguhan siya at ako itong sanay na. Tahimik lang siya habang inaayos ko ang posisyon niya. "Hawak ka sa braso niya. Konting lean in, like there's a connection," the photographer instructed. We followed. Empress gently held my arm, and even though it was a simple touch, there was still a strange warmth, na hatid sa akin na para akong hinahaplos. Malakas pa rin ang pintig ng puso ko ngayon at sigurado akong nararamdaman niya 'yon dahil nakasandal siya sa dibdib ko. "Chin up, eyes on the camera," utos muli ng photographer bago niya kami muling kinunan ng ilang sunod-sunod na shots. Mabilis ang pag-click ng camera, pero para sa akin, parang bumagal ang mundo. Even though I had done this kind of photoshoot many times, this was different. It was different when she was with me. Ramdam ko ang tensyon, pero hindi ‘yong klaseng tensyon na nakakapagod—kundi ‘yong nakakagising. It's addictive. "Perfect! Stay there! Empress, konting tilt ng ulo to your right. Shield, softer smile—parang in love pero ayaw aminin," the photographer said as he continued to shoot. I smiled. What? Parang in love pero ayaw aminin, huh? "Skipper, kamay mo sa baywang ni Selenah. Selenah, tingin ka sa kanya na parang gusto mo siyang saktan pero crush mo rin siya." Narinig ko ang halos sabay na buntong-hininga ng dalawa sa tabi namin. I glanced at them and almost burst out laughing at the expression on Selenah's face—parang pinipigilan niyang masuka habang pilit na ngumingiti. Skipper, however, just grinned, thoroughly enjoying my sister's frustration. "Come on, give me tension and chemistry! Shield, stay still—Empress, huwag kang gagalaw, perfect ang framing niyo!" muling utos ng photographer habang sabay-sabay kaming kinukunan. Maya-maya'y hinila ko na paharap sa akin si Empress kasabay ang pahapit ng isa kong kamay sa baywang niya. Dinala ko naman ang isa niyang kamay sa dibdib ko. "Are you still nervous?" I whispered to her. "N-No." Nag-iwas siya ng tingin sa akin. I couldn't help but grin. "It's not convincing with that shaky voice." Bigla niya akong sinamaan ng tingin, na parang gusto na talaga akong batukan. "Okay, okay! Empress, Shield—ganda ng chemistry pero soft naman! Tinginan kayo like ... you're hiding a secret. Smile lang, konti! Shield, bawas angas, dagdag kilig!" the photographer called out again. I took a deep breath to keep from laughing. I quickly adjusted and followed the photographer’s instructions. I met Empress's eyes again, and she did the same. Biglang lumambot ang ekspresyon niya, at kahit hindi siya ngumingiti nang todo, naroon ‘yung kaunting ngiti sa mga mata niya na para bang ... ako lang ang nakakabasa. "That's it! Yes, hold it! Perfect!" the photographer shouted as the camera clicked rapidly. Hindi ko alam, pero para akong natutunaw sa mga titig niya. There was something real, something undeniable happening between us. I couldn’t tear my eyes away, the camera clicks echoing around us. For once, it felt real, like I wasn’t pretending anymore. This wasn’t just a shoot; this was something more profound. I found myself moving closer to her, na para bang may enerhiya siyang kusang humihila sa akin. "Okay, last frame! Empress, lean in very slightly. Shield, eyes sa lips niya," utos pa ng photographer. Nanuyo ang lalamunan ko. Eyes sa lips niya? I swallowed. But I obeyed. Dahan-dahan kong ibinaba ang tingin ko sa mga labi ni Empress. Napansin ko ang bahagya niyang pagsinghap. Hindi niya tinanggal ang tingin niya sa akin—hindi na rin ako makagalaw. Her lips were inviting, like they called me to kiss them. Shit! What the hell is happening to me? I couldn’t stop myself now. Mas lalo pa akong bumaba sa kanya. Ngunit bago pa tuluyang lumapat ang mga labi ko sa kanya ay muling sumigaw ang photographer, “Perfect! That’s it! Okay na, that’s a wrap! Good job, everyone!” Nangibabaw bigla ang palakpakan sa buong paligid. Parang biglang may pumutol sa kuryente ng buong katawan ko. Agad akong natauhan. Napalayo ako ng bahagya kay Empress at napakamot sa batok habang pilit pinapawi ang tensyon sa pagitan naming dalawa. She closed her eyes for a brief moment, clearly trying to regain her composure. We stood silently for a few seconds, unable to say a word. "Good job, babies! You're all so awesome!" masayang bati ni mommy habang pumapalakpak din ng malakas. Pero hindi ko pa rin maialis ang paningin ko kay Empress. Damn it. Gusto ko siyang angkinin ngayong oras na 'to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD