Ember Montgomery "Sweetheart?" Nagising akong bigla sa tinig ni Mommy at sa paghawak niya sa braso ko. Nasilaw ako sa tindi ng liwanag. Kita ko ring matindi na ang init ng araw sa labas ng bintana nitong silid ko. "Good afternoon. It's already 12:30," Mommy said with a smile. "Kailangan mo nang bumangon, at kumain muna bago matulog ulit. Masyado kang napuyat kagabi." "Hmm..." I shut my eyes again. Mabigat ang ulo ko at nananakit pa ang aking mga mata dahil sa puyat at pag-iyak ko kaninang madaling araw. "Ngayon ang final fitting ng gown at suit niyo ni Paolo. What's your plan?" Muli kong naidilat ang aking mga mata dahil sa tinuran niya. "s**t," I cursed under my breath. "I need to talk to the wedding planner to call everything off and send out a wedding cancellation notice to all