THIRD PERSON POV "Ma'am, ang mga Mercado po, nasa labas daw po ng gate," turan ng isang kasambahay sa pamilyang Montgomery na nasa hapagkainan. Nagkatinginan ang mag-asawang Empress at Shield. Dalawa lamang sa kanilang apat na anak ang kasama nila sa hapagkainan, si Emreign na bente dos anyos at Shendrix na bente anyos. "Papasukin sa visitor's area," kalmadong turan ng ama ng tahanan, na si Shield. "Sige po, Sir," sagot ng kasambahay at agad na tumalima. Agad uminom ng tubig si Shield at nagpunas ng bibig gamit ang table napkin. "Is something wrong, Dad?" tanong ng bunso nilang anak na si Shendrix. "Your sister has decided to call off the wedding," sagot ni Shield kasabay nang pagtayo. "What?" sagot ni Shendrix. Parehong lumarawan ang gulat sa mga mukha nila ng kanyang kapatid.