Ember Montgomery "Ayos ka lang?" Auri asked while driving her car. Hindi ko alam kung nag-aalala ba siya o nang-aasar lang dahil hindi siya matigil sa pagtawa. Kakaalis lang namin sa La Grande Homes. Ang unit ni Paolo ay ipinapaayos na kaagad ngayon ni Devin, at pinapapalitan ang lahat ng nasira. Ayon naman kay Mckerson, magiging mahimbing din ang tulog ni Paolo hanggang bukas ng hapon dahil sa klase ng gamot na itinurok niya. "So now you know the reason why, after all those years you were together—my God, 7 years! Ni minsan, hindi ka niya tinangkang galawin," wikang muli ni Auri. Maging siya ay hindi rin makapaniwala. "Just kisses. Siguro nahihiya siya at natatakot na malaman mo ang totoo." "Nakakainis lang dahil umabot pa ng ganun katagal," inis kong sagot. "I wasted so much time on