Rhodora Hindi ko malaman ang gagawin ko. Kanina pa ako pabalik-balik dito sa loob ng silid ko. Nanginginig ang buo kong katawan at parang bukal ang aking mga mata sa patuloy na pag-agos ng aking mga luha. Parang sinasakal ang puso ko sa mga sandaling ito dahil sa matinding sakit na nararamdaman ko. Bakit? Paano nagawa ni Marcel sa akin 'to? Niloko niya ako. Matagal na niya itong pinlano, umpisa pa lang. Ngayon ko lang naisip, paanong for future namin ang Life Insurance? Mapapakinabangan lang namin 'yon sa oras na mamatay na ang isa sa aming dalawa. Hindi namin 'yon malalasap habang nabubuhay kami nang magkasama. Bakit ang bobo ko? Nagpakabulag ako sa mga mabubulaklak niyang salita, sa mga pangako niyang magandang buhay namin sa oras na maikasal na kami. 'Yon pala ... pera lang a