Lance mariano ( ceo's pov)
" sir. May problema po sa wedding department. Nawalan po kasi tayo ng kuryente at pati ang mga generator ayaw gumana.." Sabi ng assistant ko na si ken.
" nasan si wedding manager ashe?" Siguradong natataranta na siya..
At paniguradong galit sa kanya ang mga kliente dahil sa naudlot ang dapat sana'y pinaka importanteng panguayari sa buhay nila..
Ngayon lang nangyari ito.
" nasa kwarto po ng bride at groom."
Shit! Siguradong nagwawala na ang bride niyan!
Agad akong tumayo at sinindi ang flashlight ko. Kahit may mga emergency light na nakabukas hindi parin sapat iyon para magliwanag ang buong lugar.
Hindi pa ako tuluyang nakakalapit sa kwarto nila ay naririnig ko nang sumisigaw ang bride.
Napatakbo ako bigla. At agad binuksan ang pinto..
Ashe andersons pov.
Pagpasok ko sa kwarto nila sampal ang sinalubong sa akin!
Loko to ah! Masakit kaya!!
" anong gagawin mo sa kasal ko niyan?! Diba pinangako mo na magiging maganda ang kasal ko?! "
" sorry po talaga sa nangyari .. Hindi din ho namin ineexpect na mangyayari ito. We did our very best para sa kasal na ito.." Sincere na sabi ko sa bride.
Talaga naman kasing hindi namin to ineexpect. Yes. May pagkukulang ang part namin dahil ayaw gumana ang mga generator. Pero hindi naman tama na magwala siya ng ganito.
" you did your very own best?! Pero bakit ganito?! Ni hindi pa nga ako nakakapag lakad sa altar!! Tapos ganito pa ang mangyayari?! Nagsisisi ako na dito ko ginawa ang kasal ko!!!" Sigaw niya habang umiiyak.
" tama na faye.. Ano ka ba.. Hindi naman nila ito kasalanan. Ireresched naman daw. Tama na.." Sabi ni chase.
" mam. We're very sorry.. Please.. Calm down. We will resched your wedding and this time wala nang aberya na mangyayari. " paninigurado ko sa kanya.
Hinawakan ko siya para kalmahin siya. Pero nagulat ako nang bigla niya akong sampalin at sabunutan.
" ano ba! Faye! Tama na!" Sigaw ni chase at inalis ang pagkasabunot sa akin.
Kakalbuhin niya ba ako?!!! Ts! Kung hindi lang kita kliente gumanti na ako!!
" tama na?! Sinira niya ang kasal natin babe!!" Sigaw ni faye kay chase.
" ito ang nababagay sayo!" Sasampalin niya sana ako kaso biglang may sumalo sa kamay ni faye.
Paglingon ko nakita ko si ceo..
Paano niya nalaman na nandito ako??
And whoo! Kala ko masasampal nanaman ako e. Masakit kaya!
" hindi mo dapat sinasaktan ang kahit sino mang empleyado nang hotel nato." Seryosong sabi niya.
Nakita ko naman ang expression ni faye. Yung galit at inis na punta sa pagka mangha.
Luh?! Bipolar lang???
Kanina galit na galit sa akin to. Nakita lang si ceo nagbago bigla?
" c-eo.." Bulong ko.
Chase fuentes pov.
" c-eo." Narinig kong bulong ni ashe aa lalaki.
Ceo?? So ibig sabihin sakanya nagpropose si ashe?!!
" teka.. Ikaw ang ceo??" Nagtatakang tanong ko.
" yes. And she's mine. Kaya walang sino man ang dapat manakit sa kanya. Kahit kliente pa kayo." Sabi niya sa amin.
" ahh.. Eh.. Kasi galit lang ako kaya ko nagawa yon.." Sabi ni faye habang titig na titig sa mukha nang ceo.
Bah! Anong nangyari dito?!
Wag mong sabihin may gusto siya sa ceo?!
" ako ang ceo ng hotel na ito. At humihingi ako ng pasensya dahil sa nangyari .. Sinisigurado namin na hindi na ito mauulit." Sabi niya pa.
" pero.. " aangal pa sana si faye kaso nagsalita ulit yung panget na ceo.
" again, sorry sa nangyari.. we need to go." Sabi pa nung hambog na ceo na yun tapos hinawakan ang kamay ni ashe.
Take note! Hinawakan niya!
Ako lang ang gumagawa niyan e!
Naikuyom ko ang kamay ko.
Mas gwapo pako dito e!! Ts.!
Faye alcantara's pov
Ang gwapo niya..
Bigla kong pinunasan ang mga luha ko.
" ang gwapo pala ng ceo nila babe." Sabi ko kay chase habang nagbibiyahe kami ..
" gwapo ka diyan!! Mas gwapo pa ako dun!" Inis na sabi niya.
" gwapo kaya siya.. Diba sakanya nagpropose si manager ashe?" Alam ko talaga sa kanya e.
Bigla ba namang itinabi ni chase ang sasakyan at inihinto.
Nasabi ko ba na ang sasakyan na gamit namin ay ang wedding car? So may mga design design yung sasakyan .
Bigla siyang bumaba. At pinagtatanggal ang mga design na yun! Pinagbabato niya sa kalsada. Wala siyang pakeelam kahit pinagtitinginan siya ng mga tao.
" ay sus.. *sinundot ko yung tagiliran niya* nagseselos ka ba ha?? " natatawang sabi ko.
" alam ko naman na arrange marriage lang tayo pero mukhang hindi ka namang pinilit e. May gusto kana sakin no?" Tuksong sabi ko.
Pero kanina talagang sumama yung loob ko kasi kasal ko yun e. Nakakahiya sa mga bisita.
Okay lang yan faye. Gwapo naman ang ceo ng hotel diba?? Bulong ng isip ko.
" nagseselos?!! Ts. Bakit type ba kita??" Sabi pa niya.
" asus. Edi okay lang naman siguro sayo kung may iba akong mahal ?" Tanong ko sa kanya.
Kasi meron naman talaga. Ewan ko ba kung bakit ko nagustuhan yung lalaking yun! Ts.
Paano niyan..
Hindi natuloy ang kasal namin .
Sign na ba ito para hindi na ako magpakasal sa kanya??
Chase fuentes pov.
Nagmamaneho na ako pauwi ng bahay ko. Buisit kasi si faye!
Sabihin ba naman sa harap ko yun!
Ano kaya yung ibig sabihin niya na may iba siyang mahal??
Akala ko ba patay na patay sakin yun??.ts.
Mga babae talaga..
Cindy rueda's pov
Kanina pa ako dito sa labas ng bahay ni chase pero wala parin siya.
Alam ko yung nangyari sa kasal nila kasi nandun ako . Kahit ayoko man pumnta kasi masakit sa akin na ikakasal na siya sa iba eh wala naman akong choice kasi reporter ako.
Kaya laking tuwa ko nang mawalan ng kuryente.
Talagang may chance pa kami ni chase.. *evil grin*
Maya maya lang ay dumating na siya..
Ipinark niya ang sasakyan tapos bumaba na.
Ako naman pinuntahan ko siya. Kasi kung hihintayin ko siyang lumapit malamang mamumuti lang ang mata ko sa kakahintay.
" cha-se.." Tawag ko.
Bored niya akong tinignan.
Stress siguro to dahil sa kasal nila.
" nandun ako sa kasal mo kanina." Panimula ko.
" o ngayon?" Sabi niya.
Luh! Kahit naman ako ang humahabol sa kanya hindi niya naman ako sinusupladuhan.
Kababata ko kaya siya!
" chase naman.. Alam kong wala ka sa mood dahil aa naudlot niyong kasal pero sana wag mo naman akong idamay." Nakanguso na sabi ko.
Di niya lang ako pinansin tapos pumasok na sa loob.
Sumunod naman ako.
" umuwi kana ." Malamig na sabi niya.
" chase.. Nandito naman kasi ako e.. Pwede bang ako nalang??" Tapos niyakap ko siya.
" ilang beses ko bang sasabihin sayo na kaibigan at kababata lang ang turing ko sayo. Kailanman hindi magbabago yun. Kaya tigilan mo na yang kahibangan mo! Kita mo namang ikakasal na ako." Inis na sabi niya.
" ah basta! Mahal kita! Kahit anong gawin mong pagtataboy hindi kita tatantanan!"
" bahala ka sa buhay mo. I lock mo yang pinto pag lumabas kana. " sabi niya nalang at dumiretso na sa kwarto niya.
" ano ba kasi ang gusto mong gawin ko?! Para lang maging sa akin ka?!" Dabog na sabi ko.
Nakakainis lang kasi!
Kahit ipagtabuyan mo ako.. Hindi ko magawang magalit sayo. Hindi ko magawang mag move on!
Laglag ang balikat akong lumabas ng bahay niya.
Ashe anderson's pov
Hinayaan niyang sabunuan at saktan ako nung babaeng yun! Ts!
Nakakainis lang!
Pero bakit pag nakikita ko silang magkasama naiinis ako??
Ano kaba ashe! Matagal ka nang naka move on diba?! 8years na yun! 8years!!
*flashback*
Nagtratrabaho ako sa isang restaurant ng hotel sa Canada bilang isang waitress.
Magseserve sana ako sa isang table nang may bigla akong makasalubong na lalaki.
Hala! Natapon yung iced tea na dala ko!
" naku. Sorry po sir.." Sabi ko sa kanya.
Nakayuko siya habang pinupunasan ang damit niyang nabasa.
" okay lang.." Sabi niya tapos tinignan ako.
Yung titig niya iba e.
" ku-ng gusto mo ipapalaundry ko nalang,.." Nauutal na sabi ko. Para akong nanghihina sa mga titig niya.
" it's okay.. An-ong oras ang labas m-o?" Nauutal niya ding sabi.
" gusto sa-na kitang maka-usap.." Habol niya pa.
Ang gwapo niya..
" 9pm " bigla kong sabi tapos napangiti ako.
Easy to get lang ashe?!!
" susunduin kita ha??.." Malambing na sabi niya tapos ngumiti din.
Whoo!! Kunin niyo na ako lord!!
Tumango lang ako.
" by the way i'm chase.. Chase fuentes.." Tapos nilahad niya ang kamay niya sa akin.
" a-she.. Ashe anderson.." Sabi ko at nakipag kamay sa kanya.
Nakaramdam ako ng kung ano mang kuryente.
Nalove at first sight yata ako..
*end of flashback*
Bakit mo paba inaalala yun ashe?!
Nakaraan na yan e!
Dapat di mo na iniisip pa!
Pinikit ko nalang ang mga mata ko.
Matutulog nalang ako.
***
Thank you so much for reading this chapter!
Read.like.comment.follow me for more
Other completed story:
my virgin bedcretary ( rated spg)
ON GOING :
my wife is a secret agent ( super rated spg)
My secret love ( rated spg )
TO BE PUBLISHED:
fatty turned sexy ( rated spg)
will you be my honey? ( super rated spg)
-shobeybeloves