NANG mapansin ni Sere at Seki na wala nang katao-tao sa gusali ay saka lamang sila lumabas ng silid, patakbong lumapit si Sere at mabilis na binuhat ang duguang si Aul. “s**t!” napamura siya nang makita ang nakaaawang kalagayan ng babae. Nakaramdam siya ng kirot sa dibdib. “Aul, wake up.” “S-Sere…” tawag nito sa kaniyang pangalan habang bahagya pang nakapit ang mga mata, sapat nang marinig nito ang kaniyang boses upang kaagad na makilala. Marahan nitong iminulat ang mga mata upang piliting makita siya. Puno ng pasa at sugat ang buong katawan nito, ang mga mata ay namamaga na sa nangingitim nang pasa at malaking hiwa sa pisngi nito. Hilaw pa at nagdurugo. Napalunok si Sere ng sariling laway at mabilis itong niyakap. “I’m sorry, I came too late.” Nakagat niya ang ibabang labi, naninikip a
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books