TAHIMIK na ibinurol ang bangkay ng binatilyong si Stravens. Pinalibutan sila ng maraming tauhan upang hindi magulo ng kahit sino man. Upang sa huling pagkakataon ay mabigyan ng maayos na libing ng nag-iisang anak at tagapagmana ng nga Gustamante. Wala kang ibang maririnig sa ilalim ng isang tent kung hindi ang malakas na paghagulgol ng iyak ng mga magulang ng batang namatay, maging ang mga taong malalapit sa buhay nito tulad ng kaniyang mga kaibigan. Puno ng dalamhati ang buong kapaligiran, halos lumuha ng dugo ang mag-asawang Gustamante sa sakit na kanilang nararamdaman sa biglaang pagkawala ng anak. They were regretting the way how they want to pull their son away from his friends. Tila nakasama ang kanilang paglalayo sa mga ito dahil nagkaroon ng pagkakataon ang killer upang unahin ang