NABIGO man sa unang pagkakataon si Zeus ay hindi siya tumigil sa pagmamanman sa mag-asawang Devaez, nang sumunod na araw ay napagdesisyunan niyang siya na lamang ang trumabaho mag-isa patungkol dito. Hindi siya titigil hanggat wala siyang nakukuhang balita mula sa sinasabing tauhan ng mga Fustante na siyang inutusan upang hanapin si Daphnise, hindi rin siya naniniwalang ipinahahanap din ito sa mga pulis lalo na at wala siyang nakikitang nagre-report na kahit sino sa kaniyang tiyuhin na si Serviguel. “Where are you going?” tanong ni Sere kay Zeus nang makita niya ito palabas ng mansion. He took a sigh and faced him. “I’m going to find Daphnise.” Hindi na siya nagsinungaling pa rito. Tumango naman si Sere at walang ano-anong kinuha sa kaniyang palad ang susi ng sasakyang gagamitin, matap