NANG SUMUNOD na araw ay nagkagulo ang buong Hacienda Villa Gracia dahil sa isang bombang inihagis sa gitnang bahagi ng bukid. Karga ito ng isang sasakyang panghimpapawid at walang habas na ibinagsak sa bukid. Malakas itong sumabog, na nagbigay ng malaking pinsala sa malawak na bahagi ng Hacienda Villa Gracia. It ruined the large part of the farm and hurt many of the people living there. Sunod-sunod na hiyawan ng mga tao ang naging ingay sa paligid. Dahil sa malakas na pagsabog ay nagtungo ang magkakaibigan kasama ang kanilang tiyuhin na si Serviguel sa bukid na nakitaan nila ng makapal na usok mula sa ikatlong palapag ng hacienda. Napatakip ng palad sa kaniyang bibig ang mga babae nilang kaibigan na sina Cross, Coco at Stout nang makita ang kinahinatnan ng nangyaring pagsabog. Nagtulong