KAAGAD na isinauli ni Seki ang key cards sa counter, nagulat siya nang malamang bayad na ang buong sili hanggang ngayong araw. Kamakailan lang nang mapag-usapan niya at ni Hades ang tungkol sa ipambabayad, dahil nais niyang magamit nito ang naipon na pera sa ilan pang makabuluhang bagay ay iminwestra niya rito na siya na ang magbabayad. Nagkibit balikat siya at nanlulumong lumabas ng gusali. Bumalik siya sa sasakyan at yumuko sa manibela. She left him, no matter how he tried to make himself understand why she did it, one thing only registered to him. It’s about her dad, I got the strong feelings. Diretso siyang naupo at tumingin sa kalsada. Nalipat ang kaniyang paningin sa dumudugo niyang kamao. Tumunog ang kaniyang cellphone sa ikalawang pagkakataon, kinuha niya ito upang tignan ang cal