KASALUKUYANG nasa maliit na hardin ng Seven Dwarf si Stout. Nasa pinakataas itong palapag ng gusali kung kaya’t damang-dama niya ang pag-ihip ng hangin sa madilim na paligid. Naisipan niya munang mapag-isa matapos makasama ang mga magulang ng ilang oras. Ala sais na ng hapon kaya naman sumapit na ang dilim, ganoon pa man ay maliwanag sa kabuoan ng naturang garden rooftop dahil sa mga ilaw sa paligid nito. Isinandal niya ang kaniyang likuran sa backrest ng bakal na duyan kung saan siya kasaluyang nakaupo at bahagyang inuugoy sa hangin gamit ang mga paa. Hanggang ngayon ay malalim ang kaniyang isip. Hindi maalis sa kaniyang isipan ang mga bagay-bagay na dapat isipin, lalong-lalo na ang tungkol sa nangyari sa kaniyang mga kaibigan. Patuloy siyang kinukonsensiya ng kaniyang kalooban. Kung hi