PINALIPAS lamang ni Daphnise ang isang oras bago tumakas sa mga kaibigan maging sa mga magulang. Nagmamadali siyang nagtungo sa underground parking lot ng Seven Dwarf. Kanina lang ay kinuha niya ang susi ng sasakyang pagmamay-ari ng kanilang tiyuhin na si Zack at siyang ama ni Coco. Binuksan niya ang pintuan gamit ang mga susing hawak at pumasok sa loob ng sasakyan. Binuhay niya ang makina at paandarin na ang sasakyan ngunit hindi naituloy nang makitang nakaharang sa harapan ng sasakyan ang kaibigan na si Cross. Malalim siyang bumuntong hininga at lumabas ng sasakyan. Tumingin siya kay Cross na ngayon ay titig na titig din sa kaniya. “Cross, what are you doing here?” “Do I have to ask you the same question? I saw you stealing Uncle Zack keys, so I followed you here. I know you will do