DEN "O, nasaan na naman daw yung girlfriend mo?" tanong sa'kin ni Fille nung makarating ako sa condo nya. Inis na tumingin ako sa kanya. Alam naman nya magkaaway nga kaming dalawa ni Alyssa tapos tatanungin pa nya? Kamusta naman kasi na after nung 'date' namin sa Tagaytay, bigla na naman syang nawalang parang bula at hindi pa umuwi ng dorm kagabi ha! Tapos hindi pa sinasagot yung mga tawag at text messages ko. Sige sabihin nyo sa'kin kung sinong hindi maiinis sa ganon? "Init ng ulo natin ah. Sumasabay sa init ng panahon. Nasa kabit na naman ba nya yung girlfriend mo?" sabi naman ni Mika. Isa pa 'to. Kaya ko nga sila pinapunta dito para maglabas ng sama ng loob sa kanila tapos ganito pa ginagawa nila sa'kin. Ugh! "Miks, don't start. Alam naman natin na walang ganon si Alyssa. Malaki y