AUBREY Forever, maikling lang ang salitang iyon pero kumalabog ng malakas ang dibdib ko. Sinagot ni Dexon ang tanong ko nang walang alinlangan pero ako itong nahihirapan na i-process sa utak ko kung tama at totoo ba talaga ang narinig ko. Saglit akong nag-isip bago ko nagawang pakawalan ang tanong na kanina ko pa iniisip kung totoo nga bang talaga at hindi ito parte ng pinag-hihinalaan kong posibleng laro ni Dexon. "So, mahal mo talaga ako ha, Dexon?" malakas ang kabog ng dibdib at hindi makapaniwala na tanong ko. "Kailan pa?" Suplado kasi talaga ang lalaking ito at walang pakundangan kung ano ang gusto niyang sabihin. Although, hindi naman niya ako sinasaktan at may pagkakataon na nakikita ko ang soft side niya pero never ko namang naisip na balang araw, maririnig ko mula sa kanya na