DEXON Mabilis na tinungo ko ang silid kung saan nakakulong at nakahandusay sa sahig si General Fernandez. Tulog ang demonyo ipero nagising dahil sa malakas na suntok na tinamo niya mula sa mga kamay ko. "Where's my wife?" tiim-bagang at nag-aapoy sa galit ang mga mata na tanong ko. Kung nawawala si Aubrey at wala sa poder ni Amara at hindi rin matagpuan ng mga tauhan ko sa bahay ay malaki ang possibility na hawak siya ng hayop na kaharap ko. Hindi ko maiwasang isipin na nakuha ng mga kasabwat ni Fernandez si Aubrey para gamitin laban sa akin ang asawa ko maging ang mga batang pinagbubuntis niya kapalit ng demonyong kaharap ko. "I don't know what you are talking about, bastàrd!" Kailang sagot ni General Fernandez na dumura ng dugo sa sahig. Bumangon ang galit sa dibdib ko at dinakot