AUBREY "Babae ka, saan ka ba galing at bigla ka na lang nawala ha?" malakas na tanong ni Rose habang nakaupo sa sofa kaharap ko at kalong ang anak. "Ah, may pinuntahan lang ako, bessy. Related sa trabaho ni Dexon," sagot ko para hindi na humaba ang usapan. Pero dahil siya ang makulit na kaibigan ko, sure magtatanong pa ulit siya. Nang malaman kasi ni Rose na nakauwi na ako, pumunta agad dito sa bahay ang kaibigan ko dala ang anak. Hindi nga isinama si Kuya Addie na iniwan na tulog pa daw dahil na puyat sa trabaho kagabi. "Alam mo, tinawagan ko si Tita Janina para tanungin kung alam niya kung nasaan ka, kasi nag-aalala talaga ako nang sinabi ni Addie na nawawala ka. Sumugod siya dito sa bahay ninyo at hinarap si Dexon. Pinagalitan pa nga ang asawa mo, bessy," nanlalaki ang mga mata na