DEXON Hindi ako mapakali habang kausap ang aming supremo na si Collin Madrigal pati na rin ang ninong ni Declan na isa rin heads namin kaya halos gusto ko nang hatakin ang oras para matapos na ang usapan lalo na at supposed hindi namin ito gagawin dito pero nagkaroon ng biglang meeting dahil complete naman kaming mga ace's maliban kay Jared na nawawala na siyang naging main topic at pati na rin ang tungkol sa assassination attempt namin kay Manuel Hipolito na pinasabog ni Declan ang hideout ng animal na iyon. Finally, pagkatapos ng halos kalahating oras, bumalik ako sa mesa kung saan ko iniwan si Aubrey pero hindi ko siya nakita. Abala sa cellphone niya si Samantha na kausap ang kung sino habang si Amara naman ay katabi ang asawa at mukhang may seryoso silang pinag-uusapan. Hindi ko mun