DEXON Excited ako kaya maaga kong tinapos ang appointment ko, dahil darating dito sa opisina ko ang asawa ko. Mas sweet na ngayon si Aubrey, malaki na ang pinagbago ng treatment niya towards me and also mas strong na ngayon ang relasyon naming dalawa kaya natutuwa talaga ako knowing na kusa niyang naisip na dalawin ako dito. Nakatutok ang mga mata ko sa laptop na nasa harap ko, kung saan malinaw na nakikita ko ang route ng sasakyang sinasakyan ng asawa ko papunta dito mismo sa opisina ko. I used to do this everytime na nasa labas siya. Maya't-maya ko tinitingnan ang location niya, hanggang sa masiguro ko na safe siyang makarating sa lugar na pupuntahan niya. Tahimik na pinagmamasdan ko sa tracker ang pulang dot na hindi na gumagalaw habang hindi mawala ang ngiti sa labi. Fvck, daig ko