DEXON Immediately after makaalis ni Janina, tinawagan ko agad si Addie. Kailangan ko siya dito para magbantay kay Aubrey personally habang wala ako. Hindi ko p'wedeng iwan ang mag-iina ko na kasama lang ang mga tauhan ko, lalo na ngayong mas naging paranoid na ako sa safety nilang lahat dahil na rin sa panibagong information na nalaman ko tungkol sa asawa ko. Paano kung spy si Janina? How about my wife's parents? Who are they? Hindi man lang ako nagtanong noon tungkol sa ina ni Aubrey at nag-imbestiga sa family background niya. Tanging siya na lang kasi ang naging pokus ko, simula ng makita ko siya sa bahay ni daddy, noong nagkaharap kami at nakuha niya ang atensyon ko, hanggang sa natagpuan ko na lang ang sarili ko na addicted na sa kan'ya. Mabilis na tinawagan ko ang trusted men ko t