AUBREY Tahimik na nakikinig lamang ako sa usapan ni Dexon at mga kaibigan niya habang nakaupo sa tabi niya. Hindi ko alam na hinanap pala niya ako kanina, dahil natuwa ako nang nakakuha ako ng mga bubot na bayabas at kumuha ng asin sa kusina na kinain iyon sa loob ng wardrobe na may lamang mga damit ko. Ewan ko ba, sarap na sarap ako kanina habang panay ang nguya. Mapait, maasim tapos masarap pa na may combination ng asin. Hindi ko alam kung anong naisip ko at pumasok ako sa loob ng wardrobe ko at namalagi doon hanggang sa nakaramdam ng uhaw matapos maubos ko ang kinuha kong bubot na bayabas. "May kakaiba ka bang kapangyarihan ha, Aubrey, at hindi ka namin nakita kanina kahit hinanap ka naman namin sa loob ng slid ninyo?" nakangiting tanong ni Alexander na tinawanan ko lang. Tinutukso