AUBREY "Welcome aboard, ma'am, sir," magalang na bati sa amin ni Dexon ng maganda at matangkad na stewardess, kahanay ng iba pa na nag-assist sa amin ng pumasok kami sa private plane na pag-aari ng asawa ko. Ngumiti ako sa kanya dahil sa totoo lang, kinakabahan ako. Ito ang unang pagkakataon na sasakay ako sa eroplano kasama si Dexon at pati na rin si Rose at Addie papuntang Korea kung saan napili namin ng kaibigan ko na puntahan ngayong bakasyon. Hindi namin kasama ang mga bata at naiwan sa bahay ni Mommy Caroline na ayaw na yatang ibigay sa amin ang mga anak ko, pati na rin ang bunsong kapatid namin ni Dexon na inipon na sa mansion, kasama pati ang anak ni Rose na gustong laging nakadikit sa quadroplets ko. "Ang sosyal, pang mayaman!" bulalas ni Rose na naupo sa tabi ni Kuya Addie pe