AUBREY Tahimik lamang ako habang binabagtas ng sasakyan ni Ate Amara ang daan papunta sa kung saan. Hindi ako familiar sa lugar na nakita ko lalo na at pumasok siya sa isang tunnel, tapos tumigil sa harap ng isang malaking pintuan. Parang private place o property ang pinuntahan namin. Pakiramdam ko, kakaiba ang bahay dahil simula ng pumasok kami sa metal gate ay hindi ko na nakitang lumabas pa ang sasakyan ni Ate Amara sa tunnel hanggang sa tumigil kami sa harap ng isang magandang bahay na ngayon ay nasa harap ko. "Welcome sa bahay ko," sabi ni Ate Amara na matapos iparada ang sasakyan at buksan ang pintuan, kaya mabilis na bumaba na rin ako kasunod niya. Inaya niya akong maupo sa sofa habang para akong lutang na nakasunod sa kanya at hindi man lang napansin kung gaano pala kaganda ito