AUBREY Tatlong linggo na ang nakalipas simula nang makapanganak ako ng pagbigyan namin ang imbitasyon na dumalaw kami dito sa bahay si Daddy Collin para personal na makaharap at makausap sila. Ito kasi ang request ng ina ni mama na si Mommy Caroline dahil matagal na pala gusto akong makita. Nalaman ko na nakasubaybay naman pala sila sa amin simula noong bata pa ako at lumayo si mama sa kanila. May kumukuha ng mga video at pictures palihim at binibigay sa kanila. Tahimik ang asawa ko habang kumakain kami ng dinner sa mahabang mesa at malaking dining room dito sa bahay ng mga Madrigal. Naasiwa akong tawagin silang lolo at lola lalo na at ayaw nilang lahat lalo na si Mommy Caroline, dahil pang matanda na raw iyon, eh bata pa umano siya. Kasama niya ang asawa pati na rin ang tunay na mg