AUBREY Mabuti na lang at walang reklamo si Dexon nang ituro ko kung saang iskinita dito sa Torres Bugallon sa tondo kung saan ko siya dinala at nakatira kami dati pati na rin si Ninang Janina. Sa labas siya nag-park, sa tabing kalsada dahil hindi kasya ang sasakyan niya sa eskinita at mabuti na rin doon dahil may inutusan siyang magbabantay at binayaran para walang makialam sa mamahaling kotse niya. Kahit naiilang dahil alam kong maraming mga mata at tsismosang mga kapitbahay ni Ninang Janina ang nakasunod sa amin ni Dexon ay hinayaan ko siyang hawakan ako sa braso lalo na nang makita ko si Irene na dating schoolmate ko na nilalait ako. "Ang maganda kong inaanak, dumating na!" Malakas na tili ni Ninang Janina nang makita ako. Natawa ako sa kanya dahil umatake na naman ang pagiging o