DEXON "Anong nangyayari?" pasigaw at kinakabahan na tanong ni Rose. Pareho kaming mabilis na lumapit sa pintuan ng saradong delivery room pero naka-lock ito at masyadong matibay ang metal na pintuan para mabuksan ko. "Fùck!" Malakas na nasuntok ko ng dingding while thinking of how my wife is fighting for her life inside. Sinisisi ko ang sarili ko kung bakit umabot sa ganito. Sana nag-plano kami ni Aubrey bago ko siya na buntis hindi gaya ng nangyari na sige lang at hindi ko inakala na aabot siya sa ganito. How I wish na kaya kong ibalik ang dati. Hindi ko man gustong pagsisisihan na may apat na anak kaming na buo ngayon but I felt so guilty dahil sa nakikita kong pinagdaanan ngayon ng asawa ko. Oras rin ang lumipas bago muling lumabas ang kanina ay doktor na kausap ko. "How's my wi