AUBREY "Hindi ka pa ba uuwi?" kinakabahan na tanong ko kay Dexon. "Nope, I want to stay here with you today, sweetie. P'wede naman akong magtrabaho dito kasama mo, kaya hindi ko kailangan pumasok sa opisina. Dala ko ang laptop ko and also, my phone kapag may urgent matter akong kailangang harapin," sagot ng makulit na lalaking katabi ko na niyakap ako ng mahigpit. "Hindi p'wede, nakaka-boring manatili dito sa room," agad na tanggi ko na inalis ang braso niyang nakapulupot sa bewang ko. "Umuwi ka na, nakakahiya kina Ate Liegh na dalawa tayong nakikitira dito, eh, may bahay ka naman," sagot ko na hinatak ang kumot. "Maliligo muna ko, Dexon. Bumangon ka na d'yan, tanghali na, oh," utos ko na dahan-dahan na bumaba sa kama. Kahit nahihiya na nakikita niya akong hubad ay mabilis na nagl