DEXON "What, anong sinasabi mo, Alex?" malakas na tanong ko kay Alexander na panay ang mura sa kabilang linya. Sinagot ko ang tawag niya habang paulit-ulit na pinipiga at pinarurusahan ang tumatanggi na si General Fernandez. Wala umano siyang kinalaman sa pagkawala ni Aubrey at hindi niya mga tauhan ang pumunta sa bahay para kunin ang asawa ko. It's been seven hours at hanggang ngayon ay wala pa rin akong makuhang trace ni Aubrey, tapos heto at tumawag si Alexander at sinabing nawawala rin si Avery sa bahay niya. "What do you mean na hindi mo makita si Avery?" kunot ang noo na tanong ko. "She's missing, mga kapatid lang niya ang naiwan dito sa bahay," frustrated na sagot ni Alexander sa akin. Hindi man niya aminin, alam kong mahal na niya ang babaeng inuwi at pinatira sa bahay niya

