Chapter 123

1821 Words

AUBREY Personal kong inaalagaan si baby Draven simula ng dumating ako dito sa safehouse ni Tito Sebastian. Wala man akong experience noon sa bata ay parang naging training ko na ito lalo na at narito rin naman pala si Ate Avery na siyang katuwang ko sa pag-aalaga sa anak ni Ate Liegh at Kuya Declan. Malaking tulong sa emosyon ko na kasama ko si Ate Avery dito. Parang normal lang sa akin ang lahat at nasa bahay lang ako pero nalulungkot rin ako dahil nakikita ko ang lungkot sa mga mata niya, lalo na kapag napag-usapan namin ang tungkol sa mga kapatid na nakatira pala ngayon sa bahay ni Kuya Alexander. Tulog na si baby Draven at pareho kaming nakaupo ni Ate Avery sa gilid ng kama at pinagmamasdan ang bata. Dito na rin kasi kami natutulog sa loob ng ilang araw dahil hiniling namin kay Tito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD