AUBREY Ayon na rin sa gusto ng asawa ko, kumain muna kami bago umalis ng bahay para puntahan ang lugar kung saan dinala ang mga nahuli niyang tauhan ng ni Manuel Hipolito at maging ang nanay ni Diane. Suot ang itim na t-shirt at jacket habang nakatali pataas ang mahabang buhok na pinarisan ko ng stretchable na maong na pantalon at rubber shoes para komportable akong kumilos ay pumunta kami sa isang malaking building na hindi ko nagawang tanungin kung sino ang may-ari pero nakita ko ang malaking pangalan na bumungad sa akin sa lobby. Sa ilalim ng magandang building na pinasok namin ay naroon ang tinatawag ni Dexon na underground, na para pala sa mga ganitong cases at may mga lagusan papunta sa iba't ibang sulok ng ciudad. "Relax and take easy, okay?" pabulong na sabi ng asawa ko na sinuk